Sunday, November 9, 2008
Ulan Ulan umalis ka na!
I`ll make this post in Filipino. `kay? :D sorry for those who can`t understand this language. there`s always a google translator. @-)
Umuulan nanaman. Nung dumating kami sa Robinsons, medyo umuulan. Nung umalis kami sa Robinsons anlakas na ng ulan. Nung pumunta kami sa SM, WOAAAAAH. Grabe lang. kulay "grey" ang paligid at mahamog pa. anlakas lakas ng ulan. nakatatakot ang mga kidlat. |: pero tumuloy pa rin kaming mag-sm dahil sa aking kagustuhan na bumili ng G-tek at Staedtler.

at sa wakas, nakabili na akooooo! XD Yahoo! :D

Okaaaay. Ang babaw. :D okay lang yan, masaya naman! XD tapos eh di yun. nung papauwi na kami, GRABE as in GRABE yung baha dun sa may palabas ng SM. ang bagal namin magpatakbo. buti na lang di kotse yung dala namin. [trak! loko lang. =))] kundi pinasok na kami ng tubig. :P bawat kalye ata baha. ang taas ng baha. :| Grabe lang talaga. kumikidlat pa. napapikit pa `ko. :| tapos nung papauwi na kami at nasa loob na kami ng aming "village" at malapit na kami sa bahay as in 20M na lang! bahang baha sa village namin. GRAAAAABE. abot tyan ko siguro. naghintay kami tumigil ang ulan. 30 minuto. tapos tinawagan na ng aking ama ang aming kasambahay, pinapunta at pinalusong sa baha. kinuha niya kapatid ko. tapos lumusong na rin tatay ko. eh di ako na lang naiwan sa sasakyan. eh di naglaro ako ng SUPER MARIO!

Ang kyoot kyoot kaya ni Mario! XD nasa World1-3 na ako nung dumating tatay ko. syempre andun na yung moment ko na malapit na ako sa World 2[sori sa mga di makasunod! :P]. andun na yung moment eh. PSHHHH. bulok. eh di stinand bay ko. PSSSH. tapos LUMUSONG NA AKO SA BAHA. kadiri. oo na, maarte na kung maarte pero kadiri. kadiri. kadiri. nakakita ako ng dalawang palaka. kadiri. Grabe yung kapit ko sa tatay ko. HAHA. tinatawanan niya ako. =)) sori na. tapos habang lumalakad ka, di mo alam kung anong asa ilalim. yung tubig ang baho. tapos sa ilalim yung temperatura ng tubig una malamig tapos iinit. alam mo yung parang nararamdaman ko na ihi yun? KADIRI. pak. nung nakauwi na ako sa bahay, takbo agad ako sa banyo. ligo agad ako. HAHA. kadiri talaga. kadiri. D:anlamig, ang ingay ng mga palaka sa likod namin. PSH. bukas may pasok ulit. kaybay. D:
[edit:]
Kahapon pumunta akong gateway para iselebreyt ang kaarawan ng kaibigan ko, si paula.

HAHAHAHA. kapatid niya yung asa kanan. XD sori di ko na inedit kaya madilim. TAMAD eh. :D okay. Nanood kami ng:

WOOT! ang kyoot! yung mga penguins ang pinaka matalino diyan sa pelikulang yan. biruin niyo, kaya pala nila magpalipad ng eroplano. HAHAHAHAHA. :D pagkatapos ng sine, umuwi na kami. sumabay ako kina Ella [salamat sa transpo!] at sinundo sa bahay ni Mabic [salamat sa pagkain!]. :D naglaro kami sa Timezone. :D nakakuha ako ng libreng HSM3 na memo pad, bookmark at sticker. :D gusto ko sana yung paper bag eh. :| HAHA. tapos nagice cream kami sa DQ. :D
*Slamat, Paula sa lahat ng libre mo! mula pagkain hanggang sine hanggang DQ! :D
[edit2:]
nakakita ako ng Lomo Cam kahapon. gusto ko na ng Lomo Cam! D: Gusto ko rin manood ng Skechers Finals. Baka baguhin ko rin ang link ko. maghanda kayo. :D HAHA.
*Sabay kokak ng palaka
sabay sigaw ni darna
sabay.
sabay.
I flew away by 5:18:00 PM
|