I don`t know how to start this blog. I hope people wouldn`t mind if I`d write this blog in Filipino. it`s better that way. :)
- - - - - - - - - -
isang linggo nanaman ang nakalipas. matatapos nanaman ang Agosto. Ano na bang nangyari sa buhay ng batang ito? wala na nga siguro masyadong nangyayaring kaayaaya o kaya`y nakakatunaw o kaya kung ano man sa araw araw. simpleng araw-araw na buhay lang meron ako. gigising, maliligo, kakain, papasok, mag-aaral, kakain, mag-aaral, tulog pahinga. tapos ang araw. ganon naman lagi siguro eh. maghihintay na lang ako. malayo pa. marami pa sanang oras. sana.
gusto ko umalis. oo, gala akong bata. pero sa ibang konsepto ng pag-alis. yun bang matarik kalyeng pagdadaanan mo [basahin sa gitna ng mga linya.]. anung klaseng pagsasalin sa wikang Filipino iyon? nakakatawa. balik sa istorya. gusto ko umalis. "escape" ika nga sabi sa ingles. katulad na lang ng sinabi ni Mei - isang blogger din katulad ko. ang mundong ito ay napakakipot na. masikip. pati ang mga utak ng mga tao ay kumikitid. di malaman kung anong gagawin. ano nga bang gagawin?
sige, tuloy ang buhay. lakad lang. takbo. tumakbo ng walang iniisip, di malaman kung sang direksyon tatakbo. tumakas. tumakas sa nakakagambalang sigaw sa`yo ng mundo. sumigaw. sumigaw hanggang mapunit ang iyong katawan, mabasag ang lahat at mabingi ang mga nilalang. tumigil. tumigil kahit sandali, nakakapagod na rin.
siguro nga eh malabo ako ngayon. eto nanaman ako sa mga "random" kong iniisip. ewan ko ba kung ba`t ang laki ng problema ko sa mundo. epal.
- - - - - - - - -
bigayan na ng pinal na grado sa biyernes ata. unang markahan pa lang naman eh. tatlong markahan pa. kaso, di ako pwede bumagsak. ang pangit naman kung may "line of seven" ako sa aking "card". ang pangit. oo na, mataas ang tingin ko sa sarili ko. ngunit, kailangan ko iyon gawin para na rin magkaroon ako ng tiwala sa aking sarili. kailangan ko rin maging "competitive". di sa masamang paraan. pero gusto ko maging ganon para maitatak sa isip ko na kailangan ko umangat. umangat sa iba.
may problema ako sa utak ko. "short-term memory" ako. yun bang mabilis makalimot. nakakatawa. kailangan ko na ata hasain ang isip ko. malapit na kasi ako magkulehiyo. sa taong 2011, papasok na rin ako sa isang unibersidad. malapit na iyon diba?
- - - - - - - - -
mas sanay ako sa Filipino. ewan ko kung bakit. pero sanay din ako sa Ingles. pero mas malalim ako magsulat pag Filipino. kailangan ko ata mabalanse ito.
sa susunod ulit, paalam.
*isang malaking
kalawakan.