Wednesday, July 23, 2008
wonderwall.
okay. ang blog na ito ay isusulat ko sa filipino. dahil mas madali mag labas ng emosyon sa pilipino kesa sa english. mas maluwag.
"asarin mo na ang tulog wag lang ang bagong gising" lagi niyo yan tatandaan. ayokong ginigising ako kapag masarap ang tulog ko, o di kaya kapag kakagising ko lang tapos aasarin ako o tatawagin ako ng kung ano ano. nakakainis. nakakabadtrip. nakakabwisit.
grabe, pagkagising ko kani-kanina lang, dahil napagod ako, tinawag ako upang kami`y kumain na. eh ansarap ng tulog ko. eh di gumulong gulong ako sa kama tapos tinatakpan ko mata ko ng unan. tapos sabi ng kapatid ko, "nagbebeybibeybihan" ina mo. grabe. nakakainis diba? tapos eto pa, sabay tawa ng tatay ko at sinabi "oo nga eh" ina. talaga naman. araw araw na lang ganito, wala akong kakampi sa bahay. yun yung naramdaman ko simula ng umalis nanay ko nung huwebes. magiisang linggo na rin pala. hay. grabe, ngayon ko lang natanto na siya na lang talaga ang tanging kakampi ko sa pamilya na ito. parang siya lang ang tanging nakakaintindi sa akin. napaka makasarili ng kapatid ko at ama ko. hindi nila ako inintindi man lang. "never have, never will" nakaka sira ng araw. nakaka lungkot isipin.
ang saya na sana ng araw ko. andami kong nalaman na sikreto. ayokong maging "GG". pero sadyang lumalapit ang mga sikreto sa `kin. =)) hay. pwede nyo ako pagsabihan, dahil makakalimutan ko rin ito. di ako nagloloko. kaya kung may sinabi man kayong sikreto sa akin, malamang sa hindi ito`y nakalimutan ko na. ako ay may maiksing memorya lamang. tinaguran kong bobo. oo. bobo. aminado na ako.
lumilipas ang mga araw. ang bilis ng oras. at di man lang ako tumatangkad. sa pamilya namin, pakiramdam ko ang tangkad ko na- maliit ang nanay at tatay ko. asa dugo na namin maging maliit. nakakainis. :| grabe. antaba ko na rin. may "yearly check-up" kami sa klinika namin sa paaralan. tinitimbang kami dun at sinusukat ang taas. grabe. bagsak na `ko. ina. gusto ko bumalik sa dati kong katawan. ayoko maging maliit at mataba. para sa aking pananaw yun a. wala akong tinitira.
hay. andami pang gagawin sa paaralan. napaka puno ng aking iskedyul. masaskit sa ulo ang buhay ko. siguro ngayon lang ito.
sa susunod uli. nalulungkot ako, damayan tayo.
I flew away by 8:26:00 PM
|